Saturday, February 16, 2008

Angels brought me here...

Last week I was in Manila. (Nakwento ko na yung mga ginawa ko dun diba. Just look at my pictures and match them with the dates. Hehe.) I went back to Iloilo on Tuesday, Feb12 on the 5am flight of Cebu Pacific. At 1am, I was still in UP Los Banos.

I was supposed to leave at 2am kase sabi ko wala naman traffic... pero dahil i was warned by a lot of people na baka ma-late ako sa pag-check-in, I left at a little past 1am na lng (1:21am, my watch). Aandap-andap na yung battery ng fone ko non... pambihira talaga. I rode a jeep to Calamba. When I got there, I told the driver of the jeep that I was going to Alabang so he dropped me off dun sa pila ng mga jeep to Alabang. Dalawa lang kaming sakay ng jeep: ako at isang matandang lalaki. Sa sobrang antok ko ay umidlip muna ako... ngunit di ako mapakali dahil 1:43am na at wala nang tao sa daan. Sumakay si Mamang Driver sa jeep at nakipag-kwentuhan sa akin. Nabanggit ko na papunta akong airport at 5am ang flight ko at kelangan sana nka-check-in nako by 3 or 4am. Sabi nya, 10 passengers daw ang kailangan before kami umalis pa-alabang and 35php ang pamasahe. So, we waited. 2:10am na... wala pa ring dumagdag sa mga pasahero. Alam na ni Manong Driver na ako ay medical student, na nakatira ako sa iloilo ngayon, na mahal ang airfare, nag-graduate ako sa uplb, etc..etc...etc... As in nakapag-kwentuhan na kami ng matagal. Hindi ko na maitago ang aking kaba dahil pasado alas dos na at nasa Calamba pa rin ako! Tinanong ako ni Mamang Driver kung ano mangyayari pag di ako umabot sa plane at ang sagot ko ay: "Hindi po ako makakauwi!" na halos pasigaw at may konting panic sa boses. Grace under pressure? Ano yun?! haha. :)

Ewan kung anong hangin ang umihip at sabi ni Manong Driver: "Punta na lang akong San Pedro. Dun madaming alabang na jeep, 24 hours. Ok lang ba sayo?" E never pa kaya ako nakadaan dun. Wala akong idea sa daan na San Pedro-Alabang, pero sumagot na lang din ako ng oo. Basta umaandar kami. At kami ay lumipad papuntang San Pedro. Sobrang bilis namin. I'm sure we broke a lot of traffic rules that morning. Every so often, Manong Driver would smile at me from the rear view mirror. Ako naman, kabadong-kabado.

Ako at ung matandang lalaki na kasabay ko sa jeep ay bumaba sa San Pedro at pareho din kami ng sinakyan na jeep papuntang Alabang. Lumipad nanaman kami pa-Alabang at di pa ko umiinit masyado sa upuan ko e pababa na ulit kami. Sa Alabang, sasakay dapat kami ng taxi (kasama ung matandang lalaki na kanina ko pa kasabay) pero mahal kasi papuntang airport so nag-bus na lng kami. Di naman nagtagal na masyado ang bus at lumipad nanaman kami papuntang Magallanes. Grabe. Parang nagkakarera talaga yung mga drivers. Ambilis at nag-che-change pa ng lanes, at madaling araw nun ha! Bumaba ako sa Magallanes at sumakay ng taxi (kasama ko pa rin si matandang lalaki). Buti na lang mabait si Mamang TaxiDriver. Kinwentuhan pa sya nung kasabay kong matandang lalaki na medical student ako, galing nga akong Los Banos nagbakasyon at papunta ako ng airport dahil 5am ang flight ko pauwi ng iloilo. O diba, ang saya, nag-chikahan pa sila. Binaba namin si Manong before we turned for the airport dahil papunta pala syang Baclaran.

At 4:09am, my watch, nakaupo na ako sa departure area sa Domestic Airport. Paano ako naka-abot sa check-in? Di ko alam. Basta, alam ko lang, lumipad kami. Sana pagpalain ni Lord si Manong Driver ng Calamba jeep papuntang Alabang na pumunta na lng ng San Pedro. Pagpalain nawa sya ng marami.

Pagdating ko dito sa IVHome ng iloilo, nag-text ako na nakauwi na ako. At ang reply ng Nanay ko ay: "Ptl! pray kami ng pray ni tatay. Wag mo na ulitin yang ganyan na trip."

2 comments:

Desiree Mijares said...

tint: At ang reply ng Nanay ko ay: "Ptl! pray kami ng pray ni tatay. Wag mo na ulitin yang ganyan na trip."

tama sya! kinabahan ako sa kwento mo. you're so brave. haha.

Anonymous said...

hehe. well, they raised me to be independent... i guess they just didn't count on me being this independent. :) but I know the Lord was with me then. Praise Him!