Thursday, September 20, 2007

rainy days

it's been raining for days here in Iloilo but we never get a suspension of classes. ang lakas ng ulan parang may bagyo. sa labas ng bahay namin ay baha, sa buong street namin ay baha. grrrrrrr..... we go to school in slippers na lang and we have alcohol in our bags and then later change into our school shoes. i have lost hope in keeping my white uniform clean for the entire day. it's futile. so bahala na kahit ang dungis tingnan ng uniform namin dahil sa ulan. grrrrrr.....

the only thing i like about the weather is that i get to wear a jacket to school. hehe. =p (see how little things make me happy!)

although it's going to be bye-bye jackets, i hope we get sunny days next week... wet shoes are just eeeeeew.

Monday, September 17, 2007

neuro and psych block

We are now on the dreaded block of all time : Neurology. Maliit lang naman ang pinag-aaralan dito. Ang utak lang naman ng tao. At ang spinal cord. Pero wag ka, kahirap pala nito pag-aralan dahil buong katawan ang apektado nito pag nag-aberya. May gulay. Ilang estudyante na rin na nauna sa amin ang mga bumagsak sa block na ito at na-delay ang pag-graduate. Waaaaaah! Kakaba-kaba na kami. Hehehe.

Kalakip ng block na ito ang Psychiatry. Dahil parehong utak din naman ang pinag-aaralan ng dalawang yon. Nasabi ko na ba to? Well, anyway.... natutunan ko sa psych na... ako ay may cyclothymic disorder... rapid cycling. Hehehe. =) Wala lang, nag-diagnose lang ako ng sarili ko. At sabi nila kung magkaka-personality disorder daw ako, ang pinaka-possible ay ang magka-Histrionic PD daw ako. Hmmm.... di naman siguro... baka may histrionic personality trait lang pero di naman disorder.

Basta si Ate Ging may OCPD! Obsessive-compulsive personality disorder. Kaya pala, no wonder. Di na namin sya papapasukin ulit sa room namin. Haha!

Ang mga med students daw ay madalas may hypochondriasis at major depressive disorders. At ang psychiatrists ang top 2 sa lahat ng specialties na nagco-commit ng suicide.

Hindi na namin napapansin ang mga araw. Lahat kami ngarag at disoriented sa petsa. Haaay... Buhay med kay saya. ^_^

Sunday, September 9, 2007

excited sa pasko

Excited ako mag-Christmas. =)
Kase sa Leyte daw kami sa Pasko! wheee! birthday ni Lola!
I also get to go to Cebu! wheee!!!!
Reunion galore ito..... ^_^!
Maligaya ang Pasko... nakikinita ko na!

Wednesday, September 5, 2007

just. something.

stress. stress. stress. stress. stress.

september na... malapit na pasko... i can't feel it yet... i'm so stressed...

thank you xai , tarits, hannah sd and jahmez, for the lunar eclipse. sobrang na-detox ako that night.

kakatapos lang namin sa psych... we're now in neuro... pag-pray nyo ko ha... =)

Tuesday, September 4, 2007

di ko namalayan

di ko man lang namalayan
tapos na ang august
nag-birthday na si karen valeza, di ko man lang na-blog
deadline na ng research namin
pauwi na si ate ging
tapos na ang psychiatry subblock
nasa neurology na kami
malapit na ang medicine week
exams nanaman

di ko namalayan
hindi nako nakakabalita sa ibang friends
magtatrabaho na ung mga esvees na naabutan ko
matanda na ang inaanak ko na si nadia
magbibirthday na ulit si tatay
nagche-chemo na si tita bing
lost na pala ko sa mga pangyayari sa luzon
di na ko updated sa friendster, blog, multiply,
anniversary na nila karen at anthony

di ko namalayan
nag-eenjoy na pala ako.
naka-adjust na ko sa lugar.
meron na pla akong mga bagong kaibigan dito.
at mamimiss ko ang med sa graduation.

napamahal na rin ako dito.
akalain mo un?