1. kumain. hay, ikain na lang ang masamang resulta ng exam. ikain ang masamang resulta ng eleksyon. kumain sa Korean, Japanese, Thai, Filipino, Italian at kung ano-ano pang kainan para gumaan-gaan naman ang loob.
2. manood ng sine. nitong mga nakaraang linggo napanood ko na ang Curse of the Golden Flower, Music&Lyrics, at 300.
3. mag-celebrate ng birthdays. kami ng mga barkada ko ay nag-iikot ng card at bumibili ng cake o ice cream kapag may birthday sa amin.
4. mag-MO2. daanin sa kanta at sa tawa ang mga hinanakit sa buhay!
5. window-shop. magsuot ng damit at sapatos kahit hindi bibilhin. therapy ito.
6. magbasa ng walang kinalaman sa med. nitong mga nakaraang linggo tinapos ko ang Man, Woman and Child ni Segal, Out of the Silent Planet ni Lewis, The Mark of the Lion Trilogy ni Rivers at Silence of the Lambs.
7. manood ng DVD. Prisonbreak, Princess Hours, Dr. House, Grey's Anatomy, Strong Medicine, OC, Desperate Housewives, etc.
8. matulog. hanggang sumakit ang katawan mo kakahiga sige tulog lang.
9. maglakad. sa CPU o sa Sports Complex. masarap maglakad hanggang pagod ka pagod ka na tapos paguwi mo sa bahay matutulog ka na lang.
10. magpa-ganda. oo, magsuot ng dangling earrings, mag-makeup o lip gloss man lang. magsuot ng palda, kumain at magbihis ng maganda. magpa-hot oil. at kung ano pa.
11. mag-blog. =) need i say more? pwede rin tingnan ang aming mga pictures sa tint27.multiply.com
***
detox. syempre, every week namin yan ginagawa.
they say in med school you either sink or swim. well, we have our own ways to sail. ;p saya!
5 comments:
Waah... yan ang mga gusto kong gawin pero hindi ko nagagawa... di naman sa sobrang toxic kami ngayon (ang Neuro at, say, OB or IM ay hindi magka-level--subjective yan ha), pero basta... I've been longing to do most of those things (particularly magbasa ng walang kinalaman sa Med manood ng DVD at sine) pero hindi natutupad. Oh well... minsan kelangan magtiis. ^__^;
hi ida! waaaah!! so long no hear from you. pahingi cell number mo. well, PGH is more toxic than anywhere else naman so understandable na di mo pa magawa yang mga yan. i'm playing hooky that's why i'm able to do them. waaah... block na namin sa monday. and then... summer! intern ka na next year noh? congratulations!
cguro, in terms of watching any series on DVD, ayoko lang ma-hook..ma-compromise pa ang study habits ko..hehe. ;)
Ay di pa ko intern... clerk pa lang. Ay mali--clerk NA pala next year! waah! ^__^
ay oo nga, clerk. junior interns kase yung taway samin dito. =) oo nga, nakaka-addict yung mga series. nitong summer ko sila papanoorin!
Post a Comment