Friday, February 23, 2007

nanay

Birthday ni Nanay yesterday, February 22. She is now 59. She doesn't look it. ^_^. Good genes.

Tinext ko siya kahapon, sabi ko sana bigyan pa siya ni Lord ng maraming taon pa para makita nya naman ang mga apo niya. Sumagot naman si Nanay at sabi nya: "sana nga. Yun e kung magsisipag-asawa kayo." Natawa ako. Honga naman.

Mas na-appreciate ko si Nanay ngayon dahil nasa OB Block kami ngayon at nakapanood na ako ng normal delivery. Grabe. Salamat nanay sa pagbubuntis sa akin, sa pagkain ng mabuti, at sa pag-ire. Sa aming tatlo. Grabe. Hmmm..... nako, baka kahit na mag-asawa ako e hindi kayo magkaka-apo saken. Parang ayoko yata maranasan yung hirap na yon!

Si Nanay ay best girl namin sa bahay. Dabest ang lasagna niya. At yung honey-baked chicken. At kahit anong lutuin nya actually, masarap. Pag tumatawa siya ng grabe, lumuluha siya. Hehe. May pagka-bataon din to si nanay. Kaya may pinagmanahan lang ako. ^__^! Makulit siya, mahilig sa corny na joke sa text, iyakin (isa pang minana ko), cool magdamit at mag-accessorize at mahilig din sa chocolates. At syempre, maganda siya, kaya nga pag sinasabi ng mga tao na kamukha ko daw sya, masaya ako.

Nanay is a great example of how I should be. As a Christian, a woman, and a wife. Ang prayer ko is that I could be like her, kahit kalahati lang, masaya na ako. I thank God for giving me to her nung pumili Siya ng magiging nanay ko. I got the best in the world.

Happy Birthday ulit Nanay! Mahal kita. *yakap*

No comments: