Wednesday, December 17, 2008

before Twilight

In a few minutes, i'm off to SM Iloilo to watch Twilight. Oo, hanggang ngayon e hindi ko pa sya napapanood dahil una, wala akong panahon nung mga nakaraang mga araw, at pangalawa, hindi ako familiar sa libro na yun kaya hindi ko pinipilit na panoorin ito.

Kahapon, at sa mga nakaraang mga araw, andami kong naririnig na mga balita na maganda daw ang movie na Twilight. Lalo na kahapon, ung mga college students na nag-christmas party dito sa bahay e hibang na hibang sa movie na yon. So na-intriga ako. Tinanong ko si Ebony (isang graduate din na ivcf dito) kung maganda ba talaga ang Twilight at sabi nya.... "it's so highschool." :) Hahaha... mas lalo tuloy akong na-intriga.

May mga punto na na-raise si Ebony. At may sense yung mga punto nya....

So manonood ako mamaya so i can have my own opinion. :)
Diba yan ang turo satin sa ivcf? maging critical thinkers! ayan.... paalis na kmi ng housemates ko....

later....

No comments: