Yesternight was duty night at the WVSU-Medical Center. I and my classmates arrived a few minutes after 7pm and we were greeted with this by a JI: "Hi third years! Rounds tayo dito sa Ward! Then, kinanglan ko sang 3 volunteers para sa MICU. Decide na kamo kung sin-o." May gulay. Siya lang yung masaya. Nag-tinginan kami ng mga classmates ko. Pero dahil wala kaming magawa, nag-rounds nga kami sa Medical Ward. Tapos nun, sabi nya kami na daw mag-monitor sa mga patients. Huwat?!? Buti na lang, nakalimutan nya siguro... di na kami pinag-TPR (Temp,Pulse rate,Respi Rate monitoring every 1-2 hrs... depende). Actually, di dapat kami ang pinagti-TPR nya. Grrr... buti na lng tlga, he dropped the issue. So nag-ikot-ikot kami ng amin lang, nag-tanong-tanong sa mga patients, nag-tingin-tingin sa charts, at nagbasa ng mga cases at hinanap ung mga yon sa libro. Tapos kumain kami ng dinner.
Bandang mga 1030pm... dumating yung isang Resident. Ang sabi nya, "Listen to me, third years. The nurses have been telling me that you are being rambunctious (at ito ang aming word of the week!) and you are waking the patients. I don't know what you're doing here. Did you bring your stets? (Yes, naman kaming nagdala.) Who among you brought your stets? (Taas naman kami ng kamay.) Who among you brought your BP apps? (Taas ulit kami ng kamay.) What about the others? Did you bring your books? Do you have an exam tomorrow? (Doc, sabado po bukas, walang klase, pero sa Monday may exam po kami, sagot namin.) What I want you to do is go to get a partner. Ilan ba kayo? You will be assigned a patient. I want you to get a complete history and complete PE. Give me five differentials and your plans for the patient. You have until 11pm to do that. I will discuss the cases with you later."
At yun nga ang ginawa namin. At nung kami ay tapos na at magdi-discuss na... ang sabi ng Resident na yon ay, "You look familiar." At kami naman ay, "Yes, Doc. Kami po ulit yong group na yon." Ngayon nya lang napansin ang kanina pa namin napansin. Kami nanaman ang napuruhan kahit wala kaming kasalanan. Hay. Tadhana nga naman. Deja vu. Hehe. "So what did we do last time?", sabi ni Doc.
Kami ang laging natataon sa kanyang ka-toxican. Yung mga groups before and after us, natutulog lang sila sa wards. Kami, ewan ko ba, natataon lang talaga. Pero mas gusto ko naman ang mag-discuss kami ng case kesa mag-TPR magdamag. Andami ko nanamang natutunan. Aliw kase ung patient namin, pleural effusion ung case nya. Masaya sya kausap, cooperative. Aliw din ung mga output ng groupmates ko. Magaling si Doc, madami kaming natututunan sa kanya, yun nga lang mejo toxic sya. At umaga na nung umuwi kami.
At tulog ako buong araw. Alas-siyete ng gabi kanina na ako nagising. Haaaay..... at mag-aaral na ko para sa exam sa Monday.
No comments:
Post a Comment