Kanina pinagawa ako ni Sir Art ng tula para sa project ng anak nya. Si Sir Art ay Lab Tech namin. Talaga naman, ang mga med students, talentado! Haha. Pero syempre nung marinig ko una na gagawa ng tula ang reaksyon ko ay: Nyek. Tula! Tagalog! May gulay! Ang tagal ko na kayang hindi nagsusulat ng tula in Tagalog. High school pa ata ang huli.
Syempre walang ka-prepara-preparasyon yun dahil kelangan na agad yung tula. Haha. Buti na lng dala ko yung stuffed toy ko na si Lobo. May inspirasyon tuloy ako! Nakagawa naman ako ng tula sa loob ng tatlumpung minuto. Ang title? 'Ang Aking Aso'. Of course. It's so Grade One. Haha. E wala kong magagawa, hindi naman ako makata na nakakagawa ng mala-nick joaquin na tula ura-urada. Di kaya ng powers ko yun. Buti na lng andun yung mga kaklase ko (na puro naman mga bisaya kaya tawa kami ng tawa) para tulungan ako dapat gumawa ng tula. Nakalimutan namin ang tagalog ng 'share' at 'bell' at 'miss' as in namimiss mo yung isang tao o bagay. Ano nga ba tagalog nun?
Sa susunod, ipo-post ko dito yung tulang yon. Sa Lunes bibigyan daw ako ni Sir Art ng kopya. Ang saya!
Friday, August 10, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment