I love sports attire. Yan ang extent ng pagiging sporty ko. Haha. And I also prefer not to compete in anything kase... basta, ayaw ko lang. (O ayan JP ha. tama yung sinabi ko. hmph.)
Balik sa kwento. Lagi akong nagpapagawa ng mga jerseys ng batch namin dito sa med kase magaganda yung mga jersey designs namin at mahilig nga kase ako sa sports attire. Nag-aattend din ako nung mga games sa College dahil magaling din ako mag-moral support sa mga players na classmates. Never akong naglaro sa kahit ano. Kahit chess.
Pero kanina, since 3rd year na kami at hindi na kami makaka-ganito next year pag JI na kmi, first time mapawisan yung jersey ko nang dahil naglaro ako sa isang game! Yahoo! May saysay na ang sports attire ko. hehe. Naglaro kami ng softball. Kalaban namin yung first years. Hehe. Ilang minuto lang naman ako nasa field. Sa third base ako nagbantay. Nakasalo ng bola na hinagis ng teammate ko. Naka-out ako ng isang kalaban! Yey. At least nahawakan ko ung bola. =) Hindi na kase ako umabot mag-bat kase panalo na kami. Hehe. Yey!
Wala lang, natuwa lang ako. =p Pero mas gusto ko pa rin ung laro-laro lang, ayoko ng career ang labanan. Gusto ko din sumali dun sa volleyball at maglalaro din ako sa table tennis. Hehe. Huling hirit na kase ng batch namin this year. At least man lang makasali ako sa sports para hindi lang daw ako hanggang sports attire. Haha.
At syempre may exam kami sa Monday. Endoc. At kalahati sa amin e kulang pa ng tulog dahil duty kagabi. Hay. Ang saya ng medisina!
Saturday, July 28, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
First sentence pa lang, winner na.
*apir tayo jan*
haha.
Ako rin, mahilig sa sports attire...mga shirts na may nakalagay na 'badminton' ang trip na trip ko ngayon.
kahit na bopleks ako sa badminton.
Nasa pagdadala yan. hehe:)
labsyu tatint!
*apir* haha. =)
go badminton!
loveyou jampot!
Post a Comment