Thursday, June 21, 2007

hiligaynon part 2.

May ara kami class kagina na "Therapeutics" ang tawag. Ginatudluan kami sang chakto na way sa pag-ubra kag paghatag sang reseta. Hambal sang doctor namon, dapat daw gina-explain namon sa amon nga pasyente kung ano ang mga pwede matabo sa ila or side effects sa mga bulong nga ginapang-hatag namon. For example: "Lola, amo ni siya ang bulong mo. Baklon mo ni sya kag tumaron kada *blank*. Pwede ni sya nga magka-*blank* ka. pero mga 1% lang ang mga nagaka-amo ni so indi ka man dapat makulbaan. Pero kung magka-amo ka gid kay dimalas ka gid - upod ka sa 1%, balik ka guid dayon sakon." Wahahahaahah!

Natawa talaga ako dun. Ang kulit kase ng teacher namin e, dimalas daw ba. Haha. ;p

Monday, June 18, 2007

hiligaynon.

Te, ma-hiligaynon naman ko subong kay daw kabudlay inglish-on pa ang mga ginapaminsar ko. Actually, wala man gid ko kabalo kung ano sulaton ko subong. Gusto ko lang gid magsulat kag magpa-utwas sang bisan ano. Nadudumduman ko lang sang nagkadto kami to sa laguna sang summer na damo namangkot samon kung ano guid man ang language sang mga Ilonggo daw. Te, ari na ni siya subong e. Galing syempre indi pa man guid ko expert sa language na sini. Gatuon man ko gihapon kag everyday man guro may ara ko bag-o nga word na mabal-an. Kis-a gapamangkot man ko sa mga seatmates ko kung ano tong hambal ni amo ni kag ni amo na. Mayo gani kay gina-explain man nila.

Sang una, sa una ko guid na pag-abot di, ay daw manol guid. Haha. Kun mag-joke gani ang doctors namon last man ko makadlaw kay i-explain pa sang ara sa tupad namon ang joke. Kailinit kag kahuluya kay daw indi ka guid kabalo bala haw. Mayo kay dasig ko lng natun-an ang language nila kay tanan na upod ko di sa balay ga-hiligaynon man! Dungol lang guid tong roommate ko na si nang bebejo kay ang gintudlo nya sakon una-una guid kay ang 'tuslukon ko kalimutaw mo!' Haha. Dungol-dungol guid. Mayo lang kay ginhambalan nya ko sang meaning so wala ko sya nagamit sa school.

Ang pinakakaladlawan guid di ya ay ang mga words bala sang ilonggo nga may iban man nga meaning sa tagalog or bisaya. Kung sa dire lang, wala man guid lain nga meaning, pero kung sa iban kay bastos man. Ay ambot guid! Kaladlawan! So dapat careful guid kami ya sa hambal-hambal kung may ara guid 'ala kay basi lain to iya maintiendihan kag mangakig or malainan lang siya. Haha. Example: 'supot' means mag-ipon ng pera dito sa Iloilo. Sa Manila, it means..... alam nyo na. Wahahaha. No wonder guid na indi guid magka-intiendihanay ang mga Pilipino. Haha.

Te amo lang ni anay. Matuon pa ko. Halong kamo pirmi ha. =)

Sunday, June 17, 2007

Father's Day

Happy Father's Day sa lahat ng Tatay at sa mga kaibigan kong magiging Tatay din sa mga darating na panahon. Hi tito M, and kuya popsky. =) Happy, Happy. At kay Tito Gary, Tito Darrell and Ninong Ferdie. At kay Kuya Nico and Kuya Aldwin. Kuya Efren, Kuya Iggy, Doc Billy, Kuya Ric, Kuya Bert, Jeremy, happy Fathers's Day din po. Tito Leonin, Happy Migo's Day! At lalo na kay Tatay ko na nasa Davao ngayon. Happy Tatay's Day, Tatay! *mwahugs* love kita.

When Tatay laughs, you'll know it's him kahit na may pader pa na nasa pagitan nyong dalawa.
When Tatay snores, ganun din. Hehe. =)
I call my Tatay 'Le Ogre' because he's ogre-ish sometimes. Pero ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya nun. Ang tawag sa kanya ni Nanay ay Dodong. Bisaya jud.
He used to carry me on his shoulders when I was little.
And pag nagsi-swimming kami, he would let me hold on to his shoulders as he swims. Kaya never ako natuto lumangoy kase lagi lang akong sabit kay Tatay (parang remora at shark).
I remember waking in the middle of the night and seeing him watching TV, or reading a book, praying, or studying for a sermon. Sa kanya namin nakuha ung pagiging bampira...
He used to tell us stories about 'Sang Dangaw. Hindi ko na maalala kung ano mga ginawa nun.
Mahilig sya sa tuna, o kahit anong seafood at sa pinakurat na suka. At paborito nya ang Buffet Palace. Hehe.
Gusto nya maging farmer ngayon na retired na siya.
Tatay sana nga bigyan ka pa ni Lord ng lakas for the next 10 years or more. Kakanta ka pa ng Butterfly Kisses sa kasal ko at duet pa kayo ni Nanay sa Sunrise, Sunset.
I love you Tatay. I-bless ka pa lalo ni Lord. *hug*

Wednesday, June 13, 2007

tagged post

Ay, I've been tagged by Edren nga pala to write 6 weird things about me. Bahala na kung sino man ang gusto din sumagot nito. You're tagged! =)

Weird Me:
1. I love singing songs in a little girl voice. Parang Kid's Praise edition o Batibot version pag kumakanta ako.
2. I know so many nursery rhymes that I once sang for more than an hour nonstop without repeating any of the songs. (Nung college ako. Ewan ko lang kung kaya ko pa yun ngayon.)
3. I love sports attire. Take note: Sports ATTIRE lang. Jerseys, shirts, rubber shoes, shorts, socks, the works. But do not ask me to play kase hihindian kita (table tennis lang ang kaya kong laruin). I do not enjoy getting sweaty and touching sweaty bodies or maarawan. And you can't make me run unless larong Pinoy ang laro natin tulad ng agawan base at patintero.
4. I don't get tired of eating chicken. Kahit chicken sa breakfast, lunch at dinner ok lang. Kahit buttered chicken everyday sa buong sem masaya pa rin ako. Kaya ok akong tumira dito sa Iloilo. =)
5. I don't forget faces and kung saan tayo nag-meet but I find it hard to remember names.
6. I used to be a thumb-sucker. And I had a security pillow (much like Linus's security blanket).

pagbabago

Many things changed in our College this semester. First, iba na ang Dean namin. And because we changed Deans, syempre may mga policies din na nag-change. We won't have weekly Module Exams anymore. Meron na lng kaming two major exams: the midblock and the final exam for the block. Eeeep! Parang Stat 1 at Physics sa LB. Make or break na talga sa bawat exam. Then we'll have quizzes na, so kelangan mag-aral tlga every day kase you won't know if your lecturer will quiz you or not. Kase nga wala na rin kaming weekly module exams so sa quizzes na lang babawi ng grades. Also, we won't have as many SGDs as before. Dati kase we had one case a week and three times kami nagmi-meet for discussions. Ngayon, sa dulo na lng nga Block ang SGDs. We'll have more lectures and longer hours sa school everyday. 8am na ang start ng classes namin (so gudlak saken gumising) at hanggang 3pm yung mga class. May lunch break naman. Yung second year nga hanggang 5pm e. wahahaha. =) Hopefully daw, this will help us learn better and mas ma-prepare kami for the Board. Nag-revise ng PBL curriculum kase the first batch ng PBL e hindi confident mag-board so halos kalahati daw ng batch e sa February na lng magte-take. So kamusta naman kami diba? Lalo naman kaming kinabahan. So yun, susubukan naman yung ganitong style, baka mas matuto yung mga students. Haaay... wish ko lang.... kinakabahan na nga ako for the boards e.

Isa pa pala na nagchange is yung library policies. 8am lang pwede i-open ang aircon, 9am na ang saulian ng mga reserve books. Bawal na matulog sa library (nyak! pano na yan?), at bawal na rin magsaksak ng laptop! Ito yung di ko gets tlaga. What? E saan kami gagawa ng research and papers and presentations and lahat na? Grabe naman. Pinagkait pa yung pagsaksak ng mga laptop sa library.... Grrrr....

Monday, June 11, 2007

pasukan

Pasukan na namin bukas. 3rd year na ako. Akalain mo yun? Balik nanaman kami sa puting uniporme at itim na sapatos. Kanina nga nilagyan ko na ng Kiwi ung mga shoes ko. Haayy.... Ay honga pala, kasya na ulit saken yung uniform ko so wala na ko masyadong problema bukas sa paghinga. Wahahaha. =) Nakabili na rin ako ng notebook at ballpen. Kelangan ko na mag-aral mamaya kase baka mag-quiz kami bukas. Lagot na baka wala akong masagot.

Saturday, June 9, 2007

karakter

There's this guy I'm fascinated with these days. Ang job nya may pagka-ambassador ang dating. He's poetic sometimes, very excitable, mapusok ang damdamin and parang lahat yata para sa kanya e big deal. He's very dramatic and he's not afraid of showing his feelings. He cries when he's sad or troubled or pag ung mga mahal nya nasasaktan din. He's never removed from anything that happens. Alam nya when to speak and when to be silent. Tapos kahit hindi popular ung sasabihin nya, sige pa rin sya. Some people think of him as a very disturbed individual pero I think he's cool. May pagka-weird siya pero carry lang. Hindi sya mayabang o arrogante. Magaling siya mag-observe ng mga tao at mga pangyayari. He has a good memory at pag may sinabi sa kanya ang isang tao kunyari, kaya nyang sabihin yun sa iba word for word! Pero may pagka-reklamador sya... but he complains directly to God naman kaya ok lang. Close nga sila e, minsan parang demanding na ung dating nya kay God pero wag ka, sinasagot naman sya. Meron syang mga nakaka-away pero malakas ang loob nya kase may resbak din syang malakas. Hindi ko pa siya masyadong kilala, madami pa syang qualities na di ko pa nadidiscover kase meron lang kaming mga one hour a day kase busy ako masyado. Hay, sayang.

Ang pangalan nya nga pala ay Jeremiah. At ito ang isa sa mga gusto ko na sinabi nya: "I know, O Lord, that a man's life is not his own; it is not for man to direct his steps. Correct me, Lord, but only with justice, not in your anger, lest you reduce me to nothing." O, astig diba? =)

Tuesday, June 5, 2007

pre-enrolment

Kanina ay nagkita-kita na kami ng barkada ko dito sa med. Katuwa! ^_^. Na-miss ko din naman pala ung mga classmates ko kahit paano. Nakakatuwa silang makita ulit. Parehong kulitan pa rin, asaran, hiritan, picture-an, at kung ano pang carinyo brutal na nagpapatunay na mahal namin ang isa't isa. Haha.

Pre-enrolment kase namin kanina. Nagbayad kami ng mga council fees, school paper fees, insurance, philhealth at kung ano pang pandagdag sa bayaran ngayong pasukan. Bukas pa ang enrolment na tunay kung saan makukuha na namin ang Form 5 at magbabayaran na ng 13thousand para sa buong semester at makakatanggap kami ng classcards. Haaaay..... pasukan na naman....

Dumating na ung mga galing Dubai, Bacolod, Palawan, Cebu, Leyte, Mindanao, Quezon, at ung mga taga iba't ibang parte ng Iloilo. May tumaba, may pumayat din naman ng husto, at meron din namang walang pinagbago. May umitim, pumuti, nagpagupit, nag-gi-gym na, at meron ding meron nang girlfriend ngayon. Wala naman atang nag-break sa amin. Meron na ring may bagong kotse at meron syempre naglalakad pa rin papuntang school. At syempre, pasalubong galore. May nagdala ng piyaya, caramel tarts at kasuy. Sarap! Nung isang araw meron ding durian pie, durian candy, alamang, bagoong, fresh mangoes at dried mangoes. Sarap talga pag ung mga kaklase mo e galing sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Parang nabisita mo na rin ang mga bahay nila sa mga pasalubong nila. =) Ang dala ko naman galing Davao ay tubao... mas magaan kase un kesa sa pomelo at durian candy. Hehe.

Sunday, June 3, 2007

exercise

Masarap talaga mag-bakasyon. Masarap kumain lalo na ung mga lutong bahay. Masarap matulog dahil kung pasukan halos hindi naman kami nakakatulog. Ok din manood ng TV kase wala naman kaming TV dito sa Iloilo. Dahil sa summer routine na kain-tulog-nood TV habang kumakain-tulog ay syempre sumabay naman ang katawan ko na lumaki. Tsk, tsk. Lagot. Dahil may uniform nga pala akong babalikan dito...

Kaya minabuti naming mag-classmates/streetmates na mag-jogging before magpasukan. =) 5 days today na akong naglalakad at tumatakbo sa Iloilo Sports Complex na halos kapitbahay lang naman namin. Nagsimula ako nung Wednesday. At nalaman ko na masarap pala gumising sa umaga! Hindi kase ko talaga morning person. Pero dahil sa conference na inantendan ko nung summer e nabaliktad ata ang body clock ko kaya nagigising nako ng maaga ngayon. At since gising na rin naman ako at may kasama naman akong magjog, e di bumabangon na rin ako ngayon ng maaga. O diba, improving ako! hahahahaha. Anyway, un nga. Nagsimula akong gumising sa umaga ng mga 530 am nung wednesday. Minsan, nagrerelapse ang aking katamaran at 7am na kami dumadating sa oval. May gulay, mainit na pala un pag ganun na oras! E super nakaka-itim pa naman ang araw dito sa Iloilo. So kelangan disiplina talga na 5am kami magstart. (Mag-iiba ang sked na ito sa pasukan dahil 8am ang klase namin. Malamang sa hapon na kami magjojog.)

Nung Thursday ang sakit ng katawan ko! Nabigla ata. Grabe. Parang ayokong bumangon sa kama. Ramdam ko lahat ng muscles na ginamit ko nung isang araw! Torture maglakad. Parang bagong panganak daw ako maglakad sabi ng housemate ko. Kaya lng pinilit ako ng mga jogging-mates ko at sabi nila ganun naman daw talaga un at mawawala lang ung sakit ng katawan eventually. At nawala lang ang sakit ng katawan ko kahapon. On the 4th day of jogging e nasanay na ata ung katawan ko kaya hindi nako plakda sa kama pag-uwi galing jogging. Hehe.

Ayun. Ayoko pang isukat ung palda kong uniform. Tinitingnan-tingnan ko lang siya. Next week na lng. Sana kasya na ulit sya by then. Hahaha!