Ngayong araw ay meron akong naging bisita mula Maynila. Hindi man ako ang tunay nyang dahilan ng pagpunta dito dahil hindi nya naman ako KCmate, nakakatuwa pa rin siyang makita. Esvee din kase sya sa LB. At aso't pusa kami nun. Exciting ang buhay pag anjan sya. Haha. At boyfriend na sya ngayon ng dati kong housemate. At hindi kami boto sa kanya nun. Haha. Kaya naman talagang nakakatuwa na makita siya ulit ngayon.
Dumating siya ng mga alas quatro ng hapon. Galing siya ng Bacolod dahil binisita nya ang mga KCmates nya doon. Nanonood ako ng 'Love Letter' nung dumating siya kasama ang KCmate nya na taga-Iloilo. Nagkwentuhan kami sa bahay at kinwento pa nya ang love life nya at ang unang 'weeksary' nila nung girlfriend nya. Nakakatawa talaga. Ang corny! Haha. Tapos nun, pumunta kami ng SM at kumain ng La Paz Batchoy. Mga bandang alas siyete ng gabi ay kinailangan nang umuwi ng kasama naming isa kaya hinatid na namin siya sa sakayan. Matapos nun ay naglakad-lakad na kami sa loob ng SM habang nagkekwentuhan dahil umuulan sa labas. At nag-iyakan kami sa FoodCourt. hehe. Ako lang pala ung umiyak. At pinagpray nya ako.
At tunay ngang nakakagaan ng puso ang magkaroon ng kausap na nakaka-intindi sa iyo. At hininga ko sa kanya ang mga saloobin ko nitong dalawang taon na nakalipas. At nakakatuwa dahil dati, ako ung hinihingahan nila sa LB... Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa puso. Nakakatuwang isipin na siya pa ang nalabasan ko ng mga hinaing ko e sobrang aso't pusa tlga kami nung college. Si Lord nga naman, kakaiba humirit.
Nung andun naman ako sa Rizal Recreation Center nung 23 ay nagkaroon din ako ng bisita. Ako talga ang pinunta nya doon pero meron din siya nakita na dating mga kaibigan. Hehe. Nakakatuwa. Hindi kami aso't pusa nitong taong ito. Hingahan namin ang isa't isa noon pa at pinapagalitan nya din ako pag nagloloko na ako, kahit na mas matanda pa ako sa kanya. Buti na lng at dinalaw niya ako. Masayang masaya ang puso ko nang makita ko siya, hindi man halata.
Kaya eto, ok na ulit ako. Salamat sa Diyos. Salamat sa Kanya sa pag-gamit nya kay Mayk. Sige na nga Ate KC, boto nako sa kanya. =) Salamat salamat kitot at nagpagamit ka sa Kanya at dinalaw mo ako. Salamat. *yakap*
Monday, May 28, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
ka-chat ko rin cya 2 weeks ago, nung mga panahong litong-lito ako and nag-papanic sa pagkawala ng direksyon sa buhay.
o nga nakakatawang isipin na noon sya pinagsasabihan kong magtino sa buhay.
ang dami na talagang nag-bago at ang laki ng mga nagbago.
bago nga kami nag-good bye good bye, sabi ko, tol aaminin ko na. minsan ko lang to sasabihin. at baka hindi ko na rin to masabi sa personal kasi alam kong pagtatawanan mo ko. O sige na nga, sasabihin ko na, Boto na ko sa inyo ni KC.
Halos kumpleto na boto. hehehehe... si alelie na lang kulang.:)
hahaha! pero dito ko lang sa blog ko inamin na boto nako kay mayk. di nya naman ata binabasa to e. =p pero sinabi ko naman sa kanya ang ating sv commitment na love ko sya at ok sya. hanggang dun muna ang carry ko. alam nya naman un. *laughs*
Post a Comment