Sunday, March 4, 2007

usapang Obstet at Gyne

::warning: contains sensitive material. hahaha! :) ::

For the past 5 weeks, we’ve been studying the female reproductive system in school. OB and GYNE Block kase kami ngayon. Puro buntis, pano mabuntis, paano di mabuntis, at kung ano-ano pang pambabaeng topics (at panlalaki!) ang dini-discuss namin sa klase. Kung ano-ano na din ang mga nakita namin. Dahil may hospital exposure na kami, nakakita nako ng normal at cesarean delivery. Pero sa class, may demo pa nga kung pano gumamit ng condom. Syempre sa plastic model lang, kayo tlaga o. Nako noh, di nakakatuwa ang makita ng sobrang dalas yung mga parte ng katawan na yon, nakakasawa kamo.

Nagkataon naman na nung linggo ng birthday ko, bale last week yon… guess what kung ano ung topic? STDs! Panalo diba. Waw pare, happy birthday tlga! Sobra. Sobrang overkill! At syempre, para matutunan namin kung ano itsura nung mga STD na yon kelangan may pictures yung mga teachers pag nagturo. At saan ba nakikita ang mga sugat ng STD? Oo, tama ka. At dahil hindi lang ang babae ang nagkaka-STD, syempre may pictures din nung sa lalake. Grabe. Buti na lang matigas ang sikmura ko. Haay, nakakawalang gana kumain, sinasabi ko senyo. E sa harap pa ko nakaupo, as in first row, so medyo lang kitang-kita ko diba… haay, natawa na lang ako… happy birthday nga naman.

Anyway… dahil sa mga lectures namin nitong nakaraang mga linggo, napagtanto ko na kaya pala feeling ko ang ganda-ganda ko nung Valentine’s Day (at napansin din daw ni Ate Ging na ang ganda ko nun) e dahil nag-oovulate ako nung mismong araw na iyon. Sabi ko na nga ba e! Nafee-feel ko na yun e. Akala nyo dahil may date noh. Hay nako, wish nya lang. =) Hahaha, wala lang, natuwa lang ako. Kakaiba kase yung timing at ang galing kase totoo nga na nakaka-ganda pag nag-oovulate. Hahahaha!

Happy birthday to me!

2 comments:

E.M.G. said...

hi ate tint. meron akong statement shirt, and it says "TRAINEE GYNAECOLOGIST" (and ang color niya ay forest green, ala scout ranger)..
Pwede ba ako mag-sit in dyan? hehe.
Ayokong isuot nang madalas yong shirt na iyon. kasi yung mga nakakasalubong kong girls, dun ang focus ng mata, halata ko e.
(or baka deep inside gusto ko, kasi gusto kong magpatawa/magpapansin). hehe.

~tint~ said...

hehehe.. kaw ha, may tinatago ka palang kulo ha! ~_^