sunday morning - preliminary gawa ng pharma research presentation
sunday afternoon - punta sa wake ni Mom (hindi nanay ko). syempre emotionally draining ito kahit hindi ko siya lola. friend of the family lang naman ako pero ako yung representative ng mga mijares. e iyakin ako so nastress at nalungkot ako nun syempre.
sunday night - puyat para sa 10am major exam kinabukasan
***
monday morning - exam; class sa hapon at SGD hanggang 5pm; ang sungit pa ng tutor namin. kamote talaga oh! marami kaming LIs. grr...
monday night - lamay para sa presentation ng pharma research bukas ng 8am. mula 8pm hanggang pasado alas dose gumagawa pa rin kami.
***
tuesday morning - inabutan na ng umaga sa bahay mga classmates ko. birthday ko pero super stressful. nagising ako ng 8! buti na lang late nagstart yung presentation. at waw, contest pala yung presentation. at syempre may stage fright pa naman ako na matindi. so ngarag ako na naghintay ng turn ko. at number 9 pa kami, sampu ung groups. lahat ng tao pangit na sa paningin ko. hahaha! pangit! pangit!
tuesday night - dinner with iv grads to welcome mama labs and ate yvet and tita christy.
tuesday even later - cake and tea sa ivhome to celebrate d bday ko
tuesday going to wednesday morning - syempre habol sa aral dahil kumain lang ako nung gabi dahil nga may mga bisita
***
wednesday afternoon - klase nanaman kasama ng masungit naming tutor (gising ko hapon na)
wednesday night - regular Fellowship naman ng GSCF sa bahay. ended at 10pm!
***
thursday morning - habol nanaman sa aral dahil di naka-aral nung gabi
thursday afternoon - klase, lectures hanggang alas singko
thursday evening - duty sa OB! wow toxic. apat yung nanganak. halos wala kaming tulog mula 6pm hanggang 6am ng kinabukasan. stressful din sa Labor Room at lalo na sa Delivery Room.
***
friday morning - plakda ako dahil duty nung gabing nakaraan. tanghali nako nagising.
friday afternoon - last day ng SGD. hay salamat.
friday evening - may event nanaman sa ivhome. at syempre attend nanaman ako. late ulit natapos of course.
***
saturday lunch - nito na lang ako nagising.
sunday morning - gawa nanaman ng presentation para sa PCM research namin sa tuesday
sunday evening - cram nanaman para sa 10am exam kinabukasan.
***
monday - exam sa umaga. SGD at class sa hapon. lamay nanaman sa gabi para sa research.
tuesday - at 830am na gising ko! 8 ung presentation. number 9 ulit kami. buti di nako presentor. si mary. birthday nya kase. =) buti nanalo kami! yey!
at nun lang bumaba ng konti stress level ko. hay.
***
waw, stress. natural na yun sa kurso ko. pero last week talaga sumobra siguro. di ko nakayanan. nagkasakit tuloy ako. nung isang araw pa ko may sakit. sipon. at may ubo nako ngayon. ang saya. buhay med nga naman. umaandar kami sa stress.
3 comments:
just yesterday, my soon to be boss in japan and I were talking about doctors. emergency doctor yung GF niya and he was complaining na wala na silang oras sa isa't-isa...hmmm, lahat yata ng doctors ganito :)
kaw estudyante palang pano pa kaya kapag doctor na??
kaya ako..musician or poet ang pinagdarasal ko kay God!haha
hi. pareho pala tayo, ate tint. these last few weeks, ako halos palaging may 4 deadlines to meet, bukod sa exam on the weekend.
last night nga eh hindi ko kinaya at... uhm, hindi ko na muna ikukuwento.
anyway, para sa iyo ito:
1 Corinthians 1:3-5!!!
by the way, can i send you a post card/ greeting card? anong address ang pwede kong padalhan, yung matatanggap mo?
hi honey! =) waaah, nasa japan ka na ngayon. miss kita. yeah, i think all doctors are like that, kaya gusto ko din ng doctor. wahaha, para magkita na lng kami sa ospital diba! hehe.
hi eliel, kaya natin to! =) thanks for the encouragement. IVHome, 30 DB Ledesma St., Jaro, Iloilo City, 5000. jan po ipadala ung greeting card. thank you in advance!
Post a Comment