Sunday, February 18, 2007

housemates

Kahapon ay nagka-yayaan kaming mag-housemates na maglakad patungo sa kakainan namin matapos ang post-valentine activity ng GSCF sa Calvary Chapel. Kasama ko si Ate Ging, si Nang Bjo at si Ivan. At habang kami ay naglalakad patungo sa Blue Jay's dapat, ay nag-kodakan kami. Dumaan kami ng Tijuana's pero hindi namin type yung banda dun (na pumiyok yung vocalist tamang-tamang pagpasok namin) at amoy sigarilyo kase. So naglakad kami ulit papuntang Blue Jay's nang nag-aya si Ivan mag-Mama Maria's na lang kami. At pinagbigyan naman namin siya. Kumain kami dun at inabutan kami ng band din nila. Buti na lang at nagustuhan namin yung tunog acoustic nung mga boys na yun. At kami lang ata sa buong place yung may naririnig dahil mejo kami lang ung nagre-react at nakiki-kanta dun. Umuwi kami ng alas-onse pasado na ata. Sige lang, may kasama naman kaming staff worker. Hehe.
Pizza, anyone? More pix here. Pero wala nang pizza, madali kaseng naubos e. =)

No comments: