Wednesday, February 14, 2007

ano ngayon?

e ano ba ngayon? valentine's day daw ngayon. so nag-greet naman ako sa mga friends ko ng happy valentine's day. at nag-kiss pa ko sa kanila, in fairness. kung ano man ang meaning nun sa kultura natin, happy valentine's day na rin sa inyo. mwah!

nagkalat ang roses sa school. wala na ba silang ibang maisip na bulaklak? at least di lang pula ang nakita ko kanina, buti naman. may mga papel din na pwedeng bilhin tapos idi-deliver sa kung sino man gusto mo. pwede din mapa-picturan yung crush mo or kung sino man. ano ba yan. dami din nakipag-date ngayon after nung class namin. hay, ewan. valentine's daw kase.

lumabas kami kanina ng mga barkada ko. mga bingkong kase kami lahat. kumain kami sa Afrique's kase masarap yung pasta dun e. at abaw! kaganda ng decorations nila. parang may mga canopy sa labas, may mga lanterns pa. sabi nila para lang daw yun today. valentine's kase e. a, ewan talaga. next time iba na kakainan namin kase mejo nakakasawa na dun. natikman na ata namin lahat ng nasa menu dun! hehe. adik sa pasta.

ayan, malapit na matapos ang valentine's. di ako apektado. hehe...

3 comments:

Anonymous said...

Tint, Happy Valentine's Day. Nahidlaw man ta sa imo ba. I miss the pasta at afriques also. Hehehe.

chelababe said...

C-O-O-L

~tint~ said...

Hi nong andre! =) right back at you.
Hi chelababe, salamat!