Sunday, March 1, 2009

quarter of a century and one

Happy ang birthday ko nung February 27, 2009. I turned a quarter of a century and one. Ok lang. I still feel the same. Still feel like a 12-year old. haha. :) And still think like one, some would say. Hahahaha. At yan na po ang itsura ko ngayon. Hindi naman kamukha nung edad diba. Wala nang kokontra.

I went on duty at Sta. Barbara Sanitarium that morning. We had a shifting party. Binati ako ng mga taga-don ng happy birthday at salamat daw sa pagkain kahit hindi naman ako ung nagprepare... si tito philip po ang nagprovide ng food namin at lunch. thanks tito phil! and then we had dessert at Carlitos' pauwi. And then nag-adventure na kaming mga ivhomers. :)

Ate Rachel, Nic, Kiko, Leng, and I went to Capiz to Pebbles's house dahil debut nya ang February 28. Napakalayo ng Capiz. We left here at a little past 5 and we got there a lot after 8. Hehe. :) Syempre gutom na gutom kami pagdating namin. At naghanda ang kanilang pamilya ng crabs, tahong, coconut, bangus, and talaba. Grabe. Busog. Happy birthday talaga. Salamat Pebbles sa pagpapaunlak sa amin. After namin kumain ng madami... at ang dami talga naming nakain.... sabi ng sister ni Pebs, meron pa daw, at kung kaya pa ba daw... at ang sagot ng housemate ko na si Leng ay: "Oo, kaya pa. As in." Hahahahahaha! Hagalpak kami ng tawa. At kaya pa nga nya. :)

Then birthday na ni pebbles... so sya naman ung bida until nakatulog kami.

Kinabukasan, Feb 28, dumiretso kami sa Boracay. :) Nag-stay kami sa Faith Village sa Station 3 at naligo kami sa Station 1. Mautak. Hahaha. Masaya. At effective ang SPF 30 na sunblock dahil hindi ako nangitim kahit naitan ako ng husto. Yey.

Then March 1 ay bumalik na ulit kami ng Iloilo. Kaya pagod nako. :)

Thank you sa lahat ng nagpadama ng pagmamahal nung birthday ko. I am blessed. I thank God for your lives. *yakaptight*

No comments: