4am. Saturday. March 14, 2009. Kami ni Leng, Jun (ang "boy" ni Leng at nag-iisang hindi med sa climbing party) and si Jonas ay sumakay sa jeep papuntang Igbaras, Iloilo dahil ang sabi samin ng mga classmates namin ay 6am daw kami magsisimulang umakyat sa Mt. Napulak. The previous night pa sila andun (Friday).
We got there at about 530am at tulog pa sila. :) 7am pa naman daw kami magsisimula sa aming adventure for the day. So nagluto pa ng mga pagkain na babaunin, nag-ayos ng mga gamit ang kung ano-ano pa. Then sinundo na kami ng mga motorcycles ('habal-habal - 2 passengers + 1 driver sa isang maliit na motor) na magdadala sa amin sa paanan ng Mt. Napulak... sa Brgy. Lib-on.
Sa Brgy. Lib-on namin na-meet si Manong Morot na syang guide namin (and sya ang guide ng halos lahat na umaakyat dun sa Napulak). We started out at about 815am... Nagsimula kaming maglakad sa mga taniman ng peanuts at tobacco. After some time ng paglalakad.... pagod na kami lahat.... at tinanong namin si Manong: 'Malapit na po ba?', at ang sagot ni Manong, 'Kung sa zero to ten.... nasa zero pa lang tayo...' Wahahahaha... panalo..... at pagod na pagod na kami nun... :)
Then nagsimula na ang pa-akyat namin na paglalakad. Pumasok kami ng forest.... at umakyat... at umakyat... at umakyat.... Dumaan kami sa mga lugar na bangin na ang next sa amin... crazy tlga. Oh yeah, did i mention that 2 people in our party were wearing tsinelas??? Hahahaha... kabaliwan tlga. :) Then dumating nanaman kami sa isang point na super ganda ng view.... at tinanong namin si manong kung malapit na ba kami at ang sagot nya, "Malayo pa. Wala pa tayo sa 1/3." At sumagot ako nito: 'Manong, mula ngayon po, ang isasagot mo lang sa amin pag nagtanong kami kung malayo pa ay, "malapit na!"' Hehhee.... at ang bait talaga ni Manong Morot.... dahil for the next 5 hours... everytime we asked him kung malayo pa, ang sagot nya nga sa amin ay "malapit na"". Wahahahahaha. The best tlaga si Manong!
Nakakita nga pala kami ng Rafflesia flower. :) At sabi ni manong, tanda daw un na mataas na kami. Dahil hindi daw tumutubo ang Rafflesia sa mababang mga lugar. Yep, it smells bad. Hehe.
We got to a point where the tree-line ended and the cogon-grass started.... And that was when the major crawling started. Pambihira. Parang may trail lang na level, tapos there was this slope before us. And nagtanong kami kay manong, "jan ba tayo sa taas?" at ang sagot ni manong, "Di pa, mga dalawang ganyan pa." Waaaaaaaah...... It took us about two hours from that point to reach the peak. We were on our hands and feet na talaga paakyat. At malakas ang sikmura ng titingin pababa.... (lahat kami malakas ang sikmura. hehe) We finally got to the top at about 3pm. Haaay salamat.
Monday, March 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment