I had a mini-break down on the last day of the year 2008. Hihi...
Nakaupo lang ako sa Pedia Ward, gumagawa ng papers ko. Bumalik lang ako kahit hindi ko Duty dahil magshi-shift out na kami the next day so i had to endorse my patients and do the admitting notes nung mga di ko pa nagawan.... anyway, i was just sitting there, listening to music, talking to manong tons nung naiyak na lang ako. I felt so bereft. Ewan ko kung bakit un ang feeling ko... basta.... ganun... at iyak ako ng iyak... for about 15 minutes ba yun? Basta.... natapos lang din naman sya. Tapos paiyak-iyak na lng ng konti everytime someone talks to me. Basta, ambigat ng feeling ko during those few minutes. Sabi ko na e, papakunsulta nako sa mga Residents namin when i rotate in Psych in two weeks. Haha. :)
Last time this happened was in Manila nung November, sa bahay nila Thea. Pero sila Mariel lang ung nakapansin kase nasa gilid lang ako nun. Naiyak lang ako dahil pagod na pagod nako at di ko alam kung bat ako umiiyak. Siguro nga dahil pagod lang ako.
Friday, January 2, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment