February 8-12 , 2008. Marathon weekend ko sa Manila. Stayed with Thea in Cubao. Thank you thank you Lord for this break and thank you tita edna for making it possible. wheeeeee!!!
Friday, Feb8, 7pm. I flew to Manila and arrived at about 8pm sa Domestic Airport. Sinundo ako ni Mayk. Yey. Then we took the bus home to Thea's house in Cubao. Sinundo muna pala namin si Kit sa Farmer's and umuwi na kami. Pinagluto kami ni Thea (yes, di nga ko makapaniwala e) ng pasta at chocolates. :p Natulog kami ng 2am?! And there was evening and there was morning on the 1st day.
Saturday, Feb9, 10am. I had a date with my Avo friends at Trinoma. :) After 2 years ay nagkita ulit kami. Yey! So there was Annjo, Johnell, Lory and Louie and Nadia, and Diana. We had brunch at Heaven n' Eggs and tambay sa Starbucks after. I left Di and Annjo at about 3pm kasi I had to go to Edren's debut pa (which is why I went to Manila in the first place.hehe.)
Saturday, Feb9, 7pm. Edren's debut at Manila Diamond Hotel. I went with the Garcia's to the venue dahil hindi ako marunong pumunta dun mag-isa. So nung naghiwalay kami ng Kisay friends ko sa Trinoma ay nagsimula ang aking adventure papunta sa bahay nila Jaivy sa Tondo. I had to ride the MRT to Cubao where I rode the LRT2 to Recto. From there, I rode a jeep to Blumentritt and then another jeep to Solis where I got off at Tores High. And here was me from sleepy little Iloilo. Muntik-muntikan lang naman akong maligaw. Muntik lang. Buti na lng at marunong akong magtanong. At ayon, dugyot akong dumating sa Tondo at dun na lng ako nag-prepare para sa debut ni Edren. Masaya ang debut ni Edren. Ang saya ng mga table-mates ko! yey! At ang saya din mag-picture-picture. Syempre. I think 2am na rin kami nakauwi after. And there was evening and there was morning, on the 2nd day.
Sunday, Feb10, 9am. Morning worship service @ CBC, my home church. Yey! After 2 years ay nakabalik din ako. Yey! Since malayo ang Caloocan sa Cubao, e kinailangan din akong gumising ng maaga. I rode the MRT to Recto, then LRT to Monumento. Aliw nga e. Parang wala ako sa Pilipinas kase trains lang ung mga sinakyan ko. After the service, kaming mga ExtraJoss ladies ay nag-lunch together at after nun ay dinalaw namin si Tere who had just given birth to Baby Thea, sa Tayuman. :)
Sunday, Feb10, 4pm. After ng visit namin kila Tere, ay dumiretso na ako sa next date ko. Si Frozti sa Gateway, Cubao! :) I again rode the LRT in Tayuman, went to Doroteo Jose, took the Ube Train to Cubao. Voila, Gateway na. And dun ay nagkwentuhan kami ni Frozti hanggang dumating naman ang next dates ko na mga esvee alumni! Frozti went home to Bulacan na and kami namang mga esvees ay tumuloy sa house ni Tita Bing. Desi followed us there. Inabot kami dun ng 9pm!
Sunday, Feb10, 9pm. Ay nagmadali na akong pumunta sa mga KCmates ko sa Starbucks sa Megamall at deadbat na ang phone ko. When I got there, wala na sila. I went to the comfort room to freshen up at paglabas ko, yey! andun sila Jenmai at Bhoy2. Sinundo nila ako at lumipat na pala sila sa Starbucks sa Shang. At andun kami sa Shang naghalakhakan at nagkulitan hanggang dumating si Heero kung saan sa Chowking naman kmi naglokohan. Hehe. I got home at about 3am siguro. And there was evening and there was morning, the 3rd day.
Monday, Feb11, 1130am. I went to Paranaque to visit my aunt who had bone cancer (Multiply Myeloma). It was a blessing to listen and to talk with her. At about 3pm, I set off for UPLB. Yey! Dumating ako dun ng mga 530pm at nagkita kami ni Manong Jaja. After my dinner date with Manong, ay naki-gulo na ako sa mga esvees sa Baker. Yey! Yey! FebFair!!! Ang sayasayasayasaya! I didn't sleep because I had to leave for the airport at about 1am. So from Los Banos, I took a jeep to Calamba, then jeep to San Pedro, then jeep to Alabang, then bus to Magallanes, then taxi to Domestic Airport. I'll tell you about this particular adventure in my next blog. Hehe. Amazing! And there was evening and there was morning, the 4th day.
Tuesday, Feb12, 5am. Flight ko yan back to Iloilo. At 10am ang class namin. :) Buti na lng wala pala kaming 8am class. Nalaman ko na lng when I arrived. Hehe. And morning na ulit, I was back in Iloilo na. I had a splitting headache all day and groggy for lack of sleep (pero di ako nakatulog sa class! yey!). Buti yung 10am lng ang class namin whole day and we just consulted sa prof namin nung 3pm so nakabawi din ako ng tulog kahit paano.
So ang saya. In the course of 5 days, I was able to ride airplanes, trains, buses, jeepneys, tricycles, taxis, cars and vans. Boat lang ang di ko nasakyan at helicopter. Hahahaha! I went from Iloilo to Cubao, to Caloocan, to Tondo, Roxas Boulevard, Paranaque and Los Banos. Ang saya! Thank you Lord for a wonderfully refreshing weekend kahit na physically nakakapagod. Yey! *clap,clap*
1 comment:
How did you get to have a break that long?? :D
Post a Comment