Yesterday, nag-christmas party na ang IVHome (with guests na streetmates Balay Bisaya, IVHome Annex and Extensions) dahil aalis na si Nic sa Saturday (going to Baguio for a quiz bee and leadership training) and si ate Ging naman aalis na sa Wednesday next week (for her Sabbatical) at hindi kami pwede today dahil duty ni Leng sa hospital. O diba, andami kase namin sa ivhome so dapat lahat i-consider. Corny naman kase kung may absent diba. Kaya ayun, kahapon ang napagkasunduan (nung Tuesday lang!) na christmas party date namin.
Nyak. I was behind the cam.
After eating (at may utang na paghuhugas sa IVHome ang Balay Bisaya ^_^'), we played a couple of games and halos mag-kainan ung mga guests (ung mga Bisaya) namin sa pag-career nila dun sa charades and name game. Hahaha! Funny. My other housemates thought they were angry with each other dahil nagsisigawan sila lahat! Then, may konting presentations. Di na ko nakasayaw. Nahiya ako e. Haha.
Anyway, when the non-IVHomers went home, kami naman sa IVHome ay nag-exchange gift at nag-kick out party kay ate ging. Yep. KICK-OUT party. =) Inay ko, we ended at about 230am! Nag re-enact kami ng mga Priceless Ate Ging Moments and Unforgettable Ate Ging One-Liners. Tawa kami ng tawa. Heto ang ilan:
"Rats?!? No kidding?!? Is it big? For real?!?" (Nang sinabihan sya ni Leng na may nakita syang rats sa may likod ng bahay.)
"I'm seeing a half-naked man in my house at 11pm!" (si Naldo, ang former IVHomer, ay nasa kitchen. Kakaligo lang siguro.)
"Manong, could you please do something about this... 'cause it's so muddy!" (Kausap ni ate Ging ung mga gumawa ng deep well sa may garden namin. Nag-nosebleed si manong sa English ni ate Ging.)
"Manong, we don't know how to make this work? Can you make this work?" (Ang sabi ni Ate Ging kay manong na taga-ayos ng computer. At nagdugo din ang ilong ni manong.)
"Manang, how much is the fish? And 4 boxes po ng Knorr." (At sumagot ang tindera sa market.... 'ah, ung fish?' Dumugo din kase ilong nya.)
"Honeeeey, I'm hoooooome! Honey?" (Everytime she arrives. Sige ate, may sasagot din sayo if you do it often enough!)
L-R: (standing) Ate Ging, Naldo, Brian, Leng, Nang Jimjim. (center) Pam, Nic (bottom row) Nang Bjo, Tint.
No comments:
Post a Comment