Two weeks ago (kase every other week lang kami may duty), na-assign kami sa NICU. That's the neonatal intensive care unit. Dito dumadating ang lahat ng sick babies na bagong panganak at lahat ng premature babies. Nasubukan kong magpakain sa baby gamit ang syringe. Kakaiba. Kakatakot. Na-experience ko rin, for the first time, ang magkarga ng premature baby at ipa-burp sya. Gudlak. Mukhang naumpog siya sa balikat ko. Pero ok pa rin naman sya.
I'm not fond of children. I'm not fond of babies. And I don't like sick babies. I'm scared of babies. Ok lang ung mga well babies e, kase cute and mataba and all. Pero pag sick, mas nakakatakot sila hawakan. Parang anytime sila malalagutan ng hininga. Masyado kase silang fragile, sa tingin ko. They're so tiny and helpless and... well, dependent. And eto ako, ang laki-laki, tapos engot pagdating sa paghahawak ng bata. Nakakatakot. Tapos iyak din sila ng iyak. Nakakarindi. At nakaka-awa din naman sila.
Na-stress ako dun sa NICU. Yung iba kong classmates enjoy na enjoy. Ako naman, stressed na stressed. Sabi ko pa naman dati gusto kong maging neonatologist tutal genetics naman ung major ko nung college... pero hindi ko pala carry ang mamalagi kasama ng mga bagong panganak. Mabubuang ako.
Kudos ulit sa mga kaibigan ko na may mga anak na. Hanga tlga ko sa inyo, how you could take care of another person at this age. I can't even take care of myself.. Amazing kayo. Mga nanay, saludo ako sa inyo.
Tuesday, July 24, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
Nakakita ka na ng premature dedbol baby? Mga 8mos. lang. Para siyang made up of gel. Say, I do labor deliveries. Let me know if its your turn, first delivery is usually free! Hahaha! ;P
Ang toxic kaya ng neonatology Tatint.. :) uy na-experience ko na mag-resuscitate at mag-Ballard ng babies sa catching area.. ang saya.. :) :)
boy okoy, oo nakakita nako ng preemie na hindi buhay. hindi maganda tingnan. nakakalungkot. no thanks, i don't want you within 10 feet of me if i ever deliver a baby. haha!
idz, ang toxic nga ng neonatology. ayoko na dun. natotoxic ako sa mga baby! hehe. hindi pa ko naka-Ballard or resuscitate ng kahit sino.. sana next rotate namin dun maka-gawa nako nun para matuto din ako.
Don't worry. I won't be working on lying-in clinics. Hahaha! ;P And by the time na manganganak ka na I'd probably be miles and miles away. :P
boy okoy... wag mo ko kalimutan ha, mahilig ako sa chocolates na may nuts. ayoko ng raisins. ok lang ung white or black chocolate. =) yabang mo! hahaha!
Post a Comment