Masarap talaga mag-bakasyon. Masarap kumain lalo na ung mga lutong bahay. Masarap matulog dahil kung pasukan halos hindi naman kami nakakatulog. Ok din manood ng TV kase wala naman kaming TV dito sa Iloilo. Dahil sa summer routine na kain-tulog-nood TV habang kumakain-tulog ay syempre sumabay naman ang katawan ko na lumaki. Tsk, tsk. Lagot. Dahil may uniform nga pala akong babalikan dito...
Kaya minabuti naming mag-classmates/streetmates na mag-jogging before magpasukan. =) 5 days today na akong naglalakad at tumatakbo sa Iloilo Sports Complex na halos kapitbahay lang naman namin. Nagsimula ako nung Wednesday. At nalaman ko na masarap pala gumising sa umaga! Hindi kase ko talaga morning person. Pero dahil sa conference na inantendan ko nung summer e nabaliktad ata ang body clock ko kaya nagigising nako ng maaga ngayon. At since gising na rin naman ako at may kasama naman akong magjog, e di bumabangon na rin ako ngayon ng maaga. O diba, improving ako! hahahahaha. Anyway, un nga. Nagsimula akong gumising sa umaga ng mga 530 am nung wednesday. Minsan, nagrerelapse ang aking katamaran at 7am na kami dumadating sa oval. May gulay, mainit na pala un pag ganun na oras! E super nakaka-itim pa naman ang araw dito sa Iloilo. So kelangan disiplina talga na 5am kami magstart. (Mag-iiba ang sked na ito sa pasukan dahil 8am ang klase namin. Malamang sa hapon na kami magjojog.)
Nung Thursday ang sakit ng katawan ko! Nabigla ata. Grabe. Parang ayokong bumangon sa kama. Ramdam ko lahat ng muscles na ginamit ko nung isang araw! Torture maglakad. Parang bagong panganak daw ako maglakad sabi ng housemate ko. Kaya lng pinilit ako ng mga jogging-mates ko at sabi nila ganun naman daw talaga un at mawawala lang ung sakit ng katawan eventually. At nawala lang ang sakit ng katawan ko kahapon. On the 4th day of jogging e nasanay na ata ung katawan ko kaya hindi nako plakda sa kama pag-uwi galing jogging. Hehe.
Ayun. Ayoko pang isukat ung palda kong uniform. Tinitingnan-tingnan ko lang siya. Next week na lng. Sana kasya na ulit sya by then. Hahaha!
Sunday, June 3, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
wow! have fun jogging :) mag-stretch ng husto especially after the jog to avoid muscle cramps :)
huhuhu na-remind na naman ako of my lack of exercise... ^__^ ahay frustration ko tlga yan.
honga mish, salamat sa reminder. sabi ng housemate ko lactic acid daw ang dahilan kung bat sumakit ung leg ko nung isang araw. hehe.
ida, exercise ka din jan sa inyo. takbo ka up and down the stairs ng PGH. hehe. =) buti na lng kapitbahay lng namin ung sports complex at probinsya kami dito. ^__^
Post a Comment