Monday, September 17, 2007

neuro and psych block

We are now on the dreaded block of all time : Neurology. Maliit lang naman ang pinag-aaralan dito. Ang utak lang naman ng tao. At ang spinal cord. Pero wag ka, kahirap pala nito pag-aralan dahil buong katawan ang apektado nito pag nag-aberya. May gulay. Ilang estudyante na rin na nauna sa amin ang mga bumagsak sa block na ito at na-delay ang pag-graduate. Waaaaaah! Kakaba-kaba na kami. Hehehe.

Kalakip ng block na ito ang Psychiatry. Dahil parehong utak din naman ang pinag-aaralan ng dalawang yon. Nasabi ko na ba to? Well, anyway.... natutunan ko sa psych na... ako ay may cyclothymic disorder... rapid cycling. Hehehe. =) Wala lang, nag-diagnose lang ako ng sarili ko. At sabi nila kung magkaka-personality disorder daw ako, ang pinaka-possible ay ang magka-Histrionic PD daw ako. Hmmm.... di naman siguro... baka may histrionic personality trait lang pero di naman disorder.

Basta si Ate Ging may OCPD! Obsessive-compulsive personality disorder. Kaya pala, no wonder. Di na namin sya papapasukin ulit sa room namin. Haha!

Ang mga med students daw ay madalas may hypochondriasis at major depressive disorders. At ang psychiatrists ang top 2 sa lahat ng specialties na nagco-commit ng suicide.

Hindi na namin napapansin ang mga araw. Lahat kami ngarag at disoriented sa petsa. Haaay... Buhay med kay saya. ^_^

No comments: